Ang mga instrumentong pangmusika, instrumentong musikal, kagamitang pangtugtog, o kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng musika o tugtugin. Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang pangtugtugin ang alinmang bagay na nakagagawa ng tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang kasaysayan ng mga pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag na organolohiya ang akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal.
Maaaring hatiin ang mga instrumentong musikal sa mga uring:
* Instrumentong may bagting (pizzicato o ginagamitan ng Hilis (musika) o bow (musika))
* Instrumentong hinihipang yari sa kahoy (Woodwind instrument)
* Instrumentong tanso (Brass instrument)
* Instrumentong pinapalo (Percussion instrument)
* Instrumentong may tipahan (keyboard instrument)
Ang orkestra ay may mga instrumentong nagmula sa apat na mga mag-anak:
* Mga instrumentong may bagting na ginagamitan ng hilis (halimbawa, biyolin)
* Instrumentong hinihipang gawa sa kahoy (halimbawa, plawta)
* Instrumentong tanso (halimbawa, trumpeta)
* Perkusyon (halimbawa, tambol)
Talaksan:Piano for 2 Players Outside.jpg
Iba pang halimbawa ng mga kasangkapang pangtugtog:
* Tselo
* Gitara
* Kudyapi
* Piyano
* Trombono
* Biyola
* Biyulin
* Bandyo
* Tselo
* Yukulele
* Bandolin
Kategorya:Instrumentong pangtugtuginMapyourinfo translations allows you to search a foreign language with your own language (translate search) and receive the content also in your language
